--Ads--

Pasok na sa Round of 16 si Pinay Tennis Star Alex Eala matapos pataubin ang Polish veteran na si Magda Linette sa Round of 32 ng Miami Open, 6-3, 7-6 (2).

Dahil sa panalo, mas tumaas ang tiyansa na makapasok si Eala sa Rank 20 ng WTA world Rankins.

Matapos ang matinding laban kontra Linette, nakatakdang harapin ni Eala ang Czech star na si Karolina Muchova (World No. 14, 13th seed). Kung makakapanalo, mas lalapit siya sa semifinals at sa mas mataas na ranggo sa WTA.

Si Eala, na kasalukuyang No. 29 sa official WTA rankings, ay patuloy na gumagawa ng kasaysayan bilang pinakamataas na ranggo ng isang Pilipino sa tennis. Sa edad na 20, ipinapakita niya ang kanyang tibay at determinasyon sa isa sa pinakamalalaking torneo ng taon.

--Ads--