CAUAYAN CITY- Epektibo na ngayong araw ang total closure ng Alicaocao Bridge para sa gagawing rehabilitasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ret. Col. Pilarito Mallillin, Hepe ng Public Order and Safey Division, sinabi niya na magsisimula na ngayon ang construction sa butas na bahagi ng Alicaocao Bridge.
Sa ngayon pinapayagan ang paglalakad ng mga pasahero sa kabilang bahagi ng tulay kung saan magkakaroon ng dalawang sakayan.
Pinaalalahanan naman niya ang mga tricycle drivers na huwag mag over charge.
Ipinagbawal na rin ang pagbababa ng pasahero sa approach ng tulay o sa mismong tulay para rin sa kaligtasan ng mga pasahero.
Humihingi rin sila ng pang-unawa sa publiko pangunahin na ang mga taga-East Tabacal Region para sa inconvenience na maidudulot ng pagsasaayos sa tulay ngunit tiniyak niya na matatapos ito bago magsimula ang pasok sa Eskwela sa Hunyo 16.