Kulang sa sapat na ebidensya ang mga alegasyon ng 18 dating bodyguard ni dating Cong. Zaldy Co ukol sa umano’y paghahatid ng mga maletang puno ng pera sa ilang kongresista ayon kay NBI Director Melvin Matibag.
Ipinaliwanag ng opisyal na hindi sapat ang mga testimonya o salaysay lamang upang makabuo ng probable cause sa isang seryosong paratang.
Binigyang-diin ni Matibag na kinakailangan ng mga konkretong patunay gaya ng mga dokumento, resibo, video, o larawan upang legal na maiugnay ang mga pinangalanang personalidad sa transaksyon.
Nilinaw ng pinuno ng NBI na mahalagang nakabase sa malinaw na ebidensya ang imbestigasyon upang matiyak ang patas na proseso at maiwasan ang mga kasong walang matibay na basehan.
Dahil dito, patuloy na nananawagan ang mga awtoridad sa sinumang may hawak na karagdagang impormasyon o dokumento na makipagtulungan sa kanilang ahensya.











