--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang Lalake na tinaguriang number most wanted Regional Level  na nahaharap sa kasong 8 counts of rape at 2 counts of sexual assault sa Alacapan Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Fernando Mallillin ang hepe ng Ramon Police Station sinabi niya na ang biiktima ay mismong anak ng suspek na paulit ulit niyang ginahasa.

Batay sa kanilang pagsisisyasat ang nanay ng biktma ay nag tratrabaho sa ibang bayan kayat naisasagawa ng mister niya ang pananamantala sa sariling anak tuwing naiiwan silang dalawa sa kanilang bahay.

Madalas aniyang nangyayari ang insidente tuwing nasa impluwensya ng alak ang suspek.

--Ads--

Napag alaman na mula sa murang edad hanggang sa magdalaga ang biktima ay pinagsasamantalahan siya ng ama.

Ang mga taong nag ulat sa ginagawang pambababoy ng suspek sa sariling anak ay mismong mga miyembro ng isang simbahan na humingi ng tulong sa kanilang pastor.

Aniya nakakalungkot lamang dito na may ilang kamaganak ang biktima na hindi iniulat ang krimen dahil umano sa kahihiyan.