--Ads--

CAUAYAN CITY – Napasuko ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company ang apat na tinaguriang “NPA in the Baryo”.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang mga sumuko ay sina Alyas Bursyo, 53-anyos Alyas Rose, 44-anyos, Alyas Helen, 47-anyos, at alyas Birung, 27-anyos, pawang mga residente ng San Mariano, Isabela.

Sa pagtutulungan ng 1st IPMFC, San Mariano Police Station, 201st Regional Mobile Force Battalion 2, 142nd SAC-PNP-SAF, Regional Enforecement Unit, 86th Infantry Battalion, 95th Infantry Battallion at 502nd Infantry Brigade Philippine Army ay matagumpay na sumuko ang mga kasapi ng “NPA in the Barrio”.

Nagbalik loob sa pamahalaan ang mga tinaguriang “NPA in the Barrio” sa tulong ng kanilang Action Agent at si Ka Olga na NPA surrenderee.

--Ads--

Nalaman din ng mga sumuko ang programang NTF-ELCAC na naging dahilan para tuluyan ng humina ang Communist Terrorist Group.

Magpapatuloy ang RCSP activities, Project MASK at project SUBLI ng 1st IPMFC sa mga tukoy na area upang tumaas pa ang bilang ng mga rebelde at mga supporters na sumuko o magbabalik loob sa pamahalaan.

Sasailalim sa tactical interview at dokumentasyon ang mga sumuko na nakaranas umano ng paghihirap sa loob ng rebeldeng kilusan.