--Ads--

Natuklasan at nabawi ng mga awtoridad ang isang arms cache na hinihinalang pag-aari ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Kapaltatan, Barangay Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela nitong Setyembre 15.

Isinagawa ang retrieval operation matapos magbigay ng impormasyon ang isang dating rebelde na alyas “Derek” bilang bahagi ng limang araw na major combat operation sa ilalim ng OPORD 25/2026 “Harbinger.”

Sa operasyon na isinagawa ng mga tauhan ng 1st IPMFC, Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office, RMFB2, RIU2, 95th Infantry Battalion ng Philippine Army at Isabela Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit, narekober mula sa isang dilaw na timba ang dalawang improvised anti-personnel mines, tatlong 40mm high-explosive rounds, isang rifle grenade, 100 rounds ng 7.62mm linked ammunition, limang metro ng commercial detonating cord, dalawang bandoliers, dalawang flashlight at isang sweatshirt.

Agad namang itinurn-over sa Isabela PECU ang mga nakuhang pampasabog at military ordnance para sa tamang identification at disposition.

--Ads--