--Ads--

Siniguro ng Regional Crop Protection Center na regular ang monitoring sa mga pananim na sibuyas sa ilang Bayan sa Isabela at Nueva Vizcaya dahil sa banta ng harabas o armyworm.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Irene Estrella ang Science Research Specialist 2 ng RCPC, sinabi niya na batay sa datos mababa ang nakikitang infestation ng harabas sa mga taniman ng sibuyas.

Ayon sa RCPC may infestation ng armyworm sa mga bayan ng San Ramon, Mallig, Isabela na may 15% infestation sa 1.5 ektarya ng taniman, Marcos, Roxas, Isabela na may 12% infestation sa 0.7 ektarya ng taniman, Comon, Aritao, Nueva Vizcaya na may 10% infestation sa 0.5 eltarya ng taniiman, Calitlitan, Aritao, Nuava Vizcaya na may 9% infestationsa isang ektarya ng taniman at Daripidap, Aritao, Neuva Vizcaya na may 2% infestation sa 0.3 ektarya ng taniman.

Sa kabuuan naitala nila ang average infestation na 10% sa buong Region 2.

--Ads--

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkaroon ng pagsalakay ng harabas sa mga taniman ng sibuyas dahil nagkaroon ng outbreak nitong nagdaang mga taon at isa sa nakikitang dahilan ng RCPC sa pagdami ng harabas sa mga taniman ay dahil sa mainit na panahon na isang paraan para sa kanilang pagpapadami at paggamit ng mga hindi FDA approved o sobrang kemikal o pestesisdyo na nagdulot resistant sa mga peste at poor sanitation.

Sa ngayon abala ang Regional Crop Protection Center katuwang ang Regional Center sa monitoring at pagbibigay ng abiso o pest advisory para sa mga magsasaka kahit na wala pang infestation para mabigyan na ng tamang impormasyon ang mga magsasaka maliban pa sa pakikipag ugnayan s amga LGU na may mga taniman ng sibuyas para sa maigting na pagbabantay kasabay ng paglalabas ng technical bulletin.

Nagbibigay din sila ng intervention para matukoy ang lawak ng pinsala o bilang ng mga larvae na siyang sumisira sa mga sibuyas.

Paliowanag pa ng RCPC na siguradong masisira o mabulok ang mga sibuyas na may mataas na bilang ng infestation ng harabas.