--Ads--

Patuloy na lumalakas at mabilis ang intensipikasyon ng Bagyong Nando. Batay sa datos ng PAGASA, tinatayang nasa 610 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan ng sentro ng mata ng bagyo.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 175 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na umaabot sa 215 kilometro kada oras. Sa kasalukuyan, kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, hilagang-silangang bahagi ng Isabela (San Mariano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano), silangang bahagi ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Pudtol, Flora), at silangang bahagi ng Kalinga (Rizal).

Nakataas naman ang TCWS No. 1 sa natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Kalinga at Apayao, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, hilagang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig), hilagang at gitnang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, San Jose City, Pantabangan, Bongabon, Laur, Gabaldon, General Mamerto Natividad, Rizal, Llanera, Talavera, Science City of Muñoz, Santo Domingo, Talugtug, Palayan City, Cuyapo, Nampicuan, Guimba, Licab, Quezon, Aliaga, Cabanatuan City, Santa Rosa, Zaragoza, Jaen, San Leonardo, General Tinio, Peñaranda), hilagang at gitnang bahagi ng Tarlac (San Jose, Tarlac City, La Paz, Victoria, Gerona, Paniqui, Moncada, San Manuel, Anao, Ramos, Pura, Camiling, San Clemente, Mayantoc, Santa Ignacia), Aurora, at hilagang at gitnang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, San Miguel, Baras).

--Ads--

Ayon sa track at intensity outlook ng PAGASA, inaasahang lilihis pa-kanluran hilagang-kanluran si Nando ngayong araw patungo sa Extreme Northern Luzon. Sa forecast track, ang sentro ng bagyo ay posibleng dumaan malapit o mag-landfall sa Batanes o Babuyan Islands bukas, Setyembre 22, sa pagitan ng hapon at gabi. Inaasahan din na ito ay lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Martes ng madaling araw, Setyembre 23.

Posibleng umabot sa kategoryang super typhoon si Nando ngayong araw at patuloy pang lalakas bago tuluyang lumapit sa Extreme Northern Luzon.