--Ads--

Nanatiling kontrolado at generally peaceful ang sitwasyon sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM, sa kabila ng ilang insidente ng pamamaril at pagsabog.

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Allen Rae Co, tatlong shooting incident ang naitala sa Basilan, Cotabato City at Maguindanao del Sur, habang tatlong insidente naman ng pagsabog ang iniulat sa Cotabato City.

Sa Cotabato City, tatlong katao ang nasawi at 15 ang nasugatan sa pamamaril sa labas ng isang elementary school. Nasugatan din ang isang suspek na umano’y may dalang improvised explosive device o IED.

Samantala, nasa 98.14 porsyento na ng mga polling precinct ang nagsimula nang tumanggap ng mga boto, habang 22 precincts sa Basilan ang hindi pa nakapagsisimula ng botohan.

--Ads--

Sa Maluso, Basilan, iniimbestigahan din ang pagkakatuklas ng pre-shaded ballots at dinadala na ang mga kapalit na balota sa mga apektadong presinto.

Patuloy naman ang seguridad ng PNP, Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard sa rehiyon. Nasa mahigit 1,700 PNP personnel ang idineploy, kabilang ang maaaring magsilbing special electoral board members kung umatras ang mga guro.

Nasa ilalim ng Comelec control ang Maluso, Basilan at Cotabato City, kung saan magdadagdag ang PNP at AFP ng mga tauhan, kagamitan at sasakyan.