--Ads--

Umakyat na sa 27 ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa pagguho ng isang itinatayong gusali sa Angeles City matapos marekober ng mga rescuers ang panibagong bangkay nitong Miyerkules ng gabi, Hunyo 3.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Central Luzon, nakuha ang katawan ng biktima dakong alas-7:10 ng gabi, malapit sa lugar kung saan nahukay ang ika-26 na biktima bandang alas-6:40 ng gabi.

Sa pahayag ng BFP, sinabi nitong, “Another individual has been extricated near Victim#26, raising the number of confirmed casualties to 27,”

Samantala, nananatili sa 27 ang bilang ng mga indibidwal na matagumpay na nailigtas mula sa gumuhong istruktura.

--Ads--

Ang siyam na palapag na gusali, na nakatakdang gawing hotel, ay gumuho noong Mayo 24. Karamihan sa mga naging biktima ng insidente ay mga construction worker na nagtatrabaho sa naturang proyekto.

Patuloy naman ang search and retrieval operations ng mga awtoridad upang matiyak kung may iba pang biktimang naiwan sa ilalim ng mga guho.