Bumaba ng mahigit 50% ang kaso ng teenage pregnancy sa Santiago City nitong 2025 kumpara sa naitalang bilang noong 2024, ayon sa City Population Development Office.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Mamerto Gabriel Jr., City Government Assistant Department Head 1 ng CPDO, na mula sa 277 na naitalang kaso ng teenage pregnancy noong 2024 ay bumaba ito sa 131 kaso nitong 2025.
Katumbas ito ng 146 na mas mababang kaso o 52.7% pagbaba sa loob ng isang tao
Ayon kay Gabriel, iniuugnay nila ang pagbaba ng kaso sa pagpapatupad ng iba’t ibang programa ng kanilang tanggapan na nakatuon sa mga kabataan, kabilang ang information drives at school-based programs hinggil sa responsableng pagdadalaga at pagbibinata.
Dagdag pa nito, patuloy nilang palalawakin ang mga inisyatibo upang higit pang mapababa ang bilang ng mga kabataang maagang nagbubuntis sa lungsod.








