--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang construction worker matapos na malunod sa irrigation canal sa Ramon, Isabela.

Ang biktima ay si Reynante Peralta, binata at residente ng Purok 4, Oscariz, Ramon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PSSgt. Robertson Baingan ng Ramon Police Station na ang biktima ay nagtungo sa sementeryo upang tumulong sa paggawa ng nitso nang makita ang ilan niyang kakilila na naliligo sa irigation canal.

Lumusong din ang biktima sa tubig upang maligo at sa unang pagbagsak nito sa tubig ay nakita pa siya ng kanyang mga kaibigan na umahon ngunit nabigla na lamang sila at nagtaka nang hindi na lumitaw sa kanyang paglangoy.

--Ads--

Dahil dito ay humingi na sila ng tulong at nakita ang bangkay ng biktima.

Pinag-iingat ng pulisya ang mga residente sa Ramon, Isabela na maging maingat lalo na sa mga hindi marunong lumangoy dahil malalim ang tubig sa irigation canal sa barangay Oscariz.