Opisyal nang ipinakilala ng Department of Tourism (DOT) ang P-pop girl group na BINI bilang tourism ambassador ng Pilipinas.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), magiging katuwang sila ng ahensya sa pagsulong at pagpapalakas ng turismo ng bansa.
Layunin ng ahensya na pagsamahin ang musika at ang image ng mga tourist destination upang makalikha ng mas malakas at last impression sa publiko.
Napansin din kasi umano ng ahensya na malaking impluwensya at kasikatan ng mga P-pop group na BINI matapos makapagtala ng mataas na engagement ang isang post ng DOT.
Aniya, mahalagang kilalanin na ipinagmamalaki ang pagiging Pilipino at matagumpay na naipakikilala ang bansa sa pandaigdigang entablado.
Una nang sinabi ng DOT na gusto nilang makuha ang serbisyo ng BINI bilang posibleng tourism ambassador ng Pilipinas upang makatulong sa pagpapalawak ng promosyon ng mga magagandang destinasyon sa bansa.







