--Ads--

Paiigtingin ng BINI ang Pinoy pride sa kanilang pagbabalik sa Coachella stage sa Abril 18 (PHT) para sa Weekend 2 ng kanilang makasaysayang global performance.

Mapapanood ang 45-minute set ng Nation’s Girl Group sa Coachella YouTube livestream sa Mojave Stage.

Matapos ang Coachella, tutuloy ang grupo sa “Signals World Tour” na magbubukas sa Manila sa Hunyo 20 at susundan sa Cebu at iba pang bansa sa US, Europe at Asia.

Inilabas din ng BINI ang EP na Signals, na umabot na sa milyon-milyong streams sa Spotify.

--Ads--