--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinututukan ng Kamara ang impact ng Rice Tarrification Law bilang tugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatibay ng panukalang batas at maglaan ng dagdag na pondo para matulungan ang mga magsasaka.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Congressman Antonio “TonyPet” Albano, Vice Chairman ng Committee n Agriculture na pinamumunuan ni Congressman Mark Enverga.

Ayon kay Congressman Albano, bumuo sina House SpeakerAlan Peter Cayetano at Cong. Enverga ng Sub-Committee on Rice and Agriculture at siya ang itinladang chairman.

Bukas o sa Huwebes aniya ay magco-convene sila kasama ang ilang ahensiya at kasapi ng gabinete para talakayin ang mga hakbang para matulungan ang mga magsasaka na maibsan ang kanilang paghihirap dahil sa epekto ng Rice Tarrification Law.

--Ads--

Ayon kay Cong. Albano, kulang ang 10 billion pesos na unang inilaan para sa 2020 budget kaya tatalakayin nila ang paglalaan ng dagdag na subsidiya tulad ng pre-harvest subsidy para maibaba ang cost o gastusin sa pagtatanim ng palay.
Layunin nito na maibaba ang Php12.50 na cost na mas mataas ng 5 pesos kumpara sa Vietnam at Thailand para maging competitive ang presyo ng bigas sa bansa.

Ting ni Cong. Antonio Albano

Sa pamamagitan nito ay wala nang magsasamantala sa pagbabagsak ng bigas sa bansa na dahilan ng mas mababang presyo ng imported rice kumpara sa ani ng mga magsasaka sa bansa.