--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang muling naitala ngayong araw sa Lunsod ng Santiago.

Ito ay sa katauhan ni CV49 na isang 13-anyos na lalaki na mula sa Brgy. Villa Gonzaga.

Ang pasyente ay dumating sa Lunsod noong ika-17 ng Hunyo na isang Locally Stranded Individual (LSI) mula sa Taytay, Rizal at idineretso sa quarantine facility na itinalaga ng pamahalaang lunsod.

Siya ay nakuhanan ng specimen sample na sumailalim sa swab test noong ika-19 ng Hunyo at dumating ngayong araw ang resulta nito at positibo sa virus.

--Ads--

Asymptomatic naman o walang anomang sintomas ng nasabing karamdaman ang pasyente.

Nakatakdang ilipat si CV49 sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) ngayong araw.

Sa ngayon ay walo na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela.