--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling nakapagtala ang bayan ng Echague ng bagong positibo sa COVID-19.
Inihayag ni Mayor Kiko Dy na may isa ulit silang kababayan na OFW na nagpositibo sa COVID-19.
Ang magandang balita aniya rito ay wala siyang nakahalubilo dahil pagdating nito sa lalawigan ay dumiretso agad ito sa quarantine facility at nang lumabas ang resulta ng kanyang test ay positibo sa virus.
Nagpasalamat si Mayor Kiko Dy sa Echague District Hospital dahil sinunod nila ang mga protocols sa quarantine.
--Ads--
Gayunman ay magsasagawa pa rin sila ng contact tracing pero ito na ay mula sa pagbiyahe ng pasyente mula sa Kalakhang Maynila.










