--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lunsod ng Santiago.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa pamahalaang lunsod ng Santiago, isang 63-anyos na lola mula sa Brgy. Mabini ang nagpositbo sa naturang sakit.

Ang nasabing pasyente ay nakunan ng swab noong ika-18 ng Hunyo, 2020 sa isinagawang mass testing sa mga miyembro ng AGAP at Sweet Club ng Lunsod.

Sa ngayon ay nasa Southern Isabela Medical Center (SIMC) ang naturang lola na asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng nasabing sakit.

--Ads--

Nabatid na dati nang may altapresyon ang nasabing lola.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng Contact Tracing sa mga nakasalamuha ng panibagong kaso ng COVID-19 sa lunsod ng Santiago.