--Ads--
Pinalaya mula sa police custody si Britney Spears nitong Huwebes ng umaga matapos maaresto sa dahil sa driving under the influence (DUI) malapit sa Los Angeles.
Naaresto ang 44-anyos na pop superstar noong Miyerkules ng gabi at naiditene sa Ventura County Sheriff’s Department. Nakasaad sa tala ng sheriff na siya ay pinalaya bandang 6:07 AM local time, at nakatakda ang kanyang pagdalo sa korte sa May 4.
Sa kabila ng insidente, nagpapatuloy ang kanyang buhay at karera matapos ang matagal na kontrobersiya at conservatorship na pinamahalaan ng kanyang ama hanggang sa tuluyang masuspinde noong 2021.
Kilala siya sa mga hit noong huling bahagi ng 1990s tulad ng …Baby One More Time, Oops!… I Did It Again, Womanizer at iba pa.
--Ads--








