--Ads--

Nagtakda ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ng ₱1-bilyong minimum capital requirement para sa thrift, rural at cooperative banks na gumagamit ng digital-centric business models.

Sa ilalim ng Circular No. 1240, may anim na buwan ang mga sakop na bangko mula sa pormal na abiso ng BSP para makasunod sa bagong requirement.

Layunin nitong matiyak na sapat ang kapital at risk management ng mga bangkong mabilis ang paglago ng kanilang digital operations.

Maaari rin silang mag-apply para maging licensed digital bank at mapalawak ang kanilang serbisyo lampas sa tradisyunal na geographic limits.

--Ads--