--Ads--

Posibleng magtaas muli ng interest rates ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP sa Oktubre dahil sa patuloy na inflationary pressures.

Batay sa August Monetary Policy Report ng BSP, kabilang sa mga panganib sa inflation ang El Niño, mataas na singil sa kuryente, gastos sa agrikultura at transportasyon, at pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.

Samantala, bumagal sa 2.3 percent ang GDP ng bansa sa ikalawang quarter ng 2026, mula sa 5.4 percent noong kaparehong panahon ng 2025.

Tinataya naman ng BSP na aabot sa 6.1 percent ang average inflation ngayong taon, kaya nananatiling prayoridad nito ang pagpapanatili ng price stability.

--Ads--