--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagulo ang maayos na burol ng isang lalaking namatay sa Bagabag, Nueva Vizcaya nang dumating ang kapitbahay na lalaki na dumungaw sa bangkay ngunit biglang binuhat kinuha ito mulasa ataul at inihagis sa sahig.

Ito ay nangyari kaninang umaga sa burol ni Gonzalo Espinosa sa kanilang bahay sa Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Dinakip ng mga pulis ang lasing na naghagis sa bangkay na si Teofilo Sanorias, 58 anyos at residente ng Tuao North, Bagabag.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Jolly Villar, hepe ng Bagabag Police Station sinabi niya na magkapitbahay ang pinaghihinalaan at pamilya ng namayapang biktima.

--Ads--

Batay sa pamilya ng nasawi, wala silang alam na dahilan para gawin ito ng pinaghihinalaan sa burol ng kanilang kaanak.

Ayon sa mga nagbabantay , dumungaw pa sa kabaong ang suspek at sinabi umano na hindi tao ang nasa kabaong kaya binuhat niya ang bangkay at inihagis.

Dahil sa naging aksyon ng suspek ay nabahala at bahagyang nagkagulo sa burol.

Batay sa pagsisiyasat ng Bagabag Police Station na labis na kalasingan ang dahilan kaya nagawa nitong mag amok.

Ganito ang pahayag ni PMajor Jolly Villar