--Ads--

Naging negatibo ang pananaw ng mga negosyo sa Pilipinas nitong Hulyo 2026 dahil sa mga panibagong pag-aalala ukol sa tensyon sa Middle East, pagtaas ng presyo ng langis, at patuloy na banta ng implasyon.

Batay sa pinakabagong Business Expectations Survey (BES) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumagsak at naging negatibo ang overall confidence index (CI) nitong Hulyo mula sa pagiging neutral noong Hunyo.

Bagamat nananatiling positibo ang ilang kumpanya sa kanilang prospek para sa susunod na 12 buwan, mas mababa pa rin ito kumpara sa mga nakaraang buwan dahil sa inaasahang pagbagal ng ekonomiya at mananatiling mataas na implasyon na lalagpas sa 4-percent ceiling ng BSP.

Bunsod ng inaasahang mas mabagal na paglago at mataas na bilihin, mas kaunting kumpanya ang nagpaplanong magdagdag ng mga bagong manggagawa sa susunod na taon.

--Ads--

Sa kabila nito, nagpapahayag pa rin ng intensyon ang ilang kumpanya mula sa sektor ng industriya na palawakin ang kanilang operasyon sa mga darating na buwan.

Patuloy namang babantayan ng BSP ang epekto ng tensyon sa Middle East sa gawi ng mga mamumuhunan at mamimili, na gagamiting batayan sa pagbuo ng mga patakarang pampinansyal ng bansa.