--Ads--

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nag-emergency landing ang isang Cebu Pacific flight pabalik ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) nitong umaga ng Sabado, Marso 8.

Ayon sa ahensiya, nakaranas ng landing gear issue ang Cebu Pacific Air flight CEB588 dahilan kayat bumalik ito sa Mactan-Cebu International Airport dakong alas-5:30 ng umaga.

Nangyari ang insidente habang biyaheng Maynila ang eroplano.

Nakuhanan din ng video ang sitwasyon sa loob ng eroplano nang mangyari ang insidente kung saan nagbibigay ng safety instruction ang isang flight crew sa mga sakay na pasahero.

--Ads--

Sa kabutihang palad, ayon sa CAAP, ligtas ang lahat ng mga pasahero at crew na lulan ng eroplano.