--Ads--

Nakikiisa ang City Government of Cauayan sa pagdiriwang ng Cooperative Month 2026 ngayong Oktubre, na may temang “Matibay na Kooperatiba, Nagkakaisang Pamayanan para sa Kapayapaan at Kaunlaran.”

Ayon kay Sylvia Domingo, City Cooperative Officer ng Cauayan City, layunin ng pagdiriwang na kilalanin ang iba’t ibang kontribusyon ng mga kooperatiba, gayundin ang pagsusulong ng pagkakaisa at pagtutulungan sa komunidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Domingo, sinabi nitong nakalatag ang iba’t ibang aktibidad para sa Cooperative Month celebration na isasagawa mula Oktubre 1 hanggang 32, 2026.Bukas aniya ang mga aktibidad hindi lamang sa mga miyembro ng kooperatiba kundi maging sa mga interesadong makilahok sa mga programa.