--Ads--

Makikiisa ang City Population Office at Cauayan City Standalone Senior High School sa pagsusulong ng mga programang naglalayong maiwasan ang teenage pregnancy at mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan sa buong lungsod.

Pinangungunahan ng City Population Office, katuwang Cauayan City Standalone Senior High School, ang isang aktibidad na nakatakdang isagawa sa darating na buwan ng Nobyembre.

Inihayag ni City Population Officer II Rochelle Pareja na tampok sa programa ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na magsilbing facilitator upang maipakita ang kanilang kakayahan sa pamumuno, mapaunlad ang kanilang kumpiyansa sa sarili, at magkaroon ng mas malalim na ugnayan sa kanilang kapwa kabataan.

Magkakaroon din ng iba’t ibang interactive booth na may mga nakaaaliw na aktibidad at papremyo para sa mga dadalo.

--Ads--

Bahagi rin ng aktibidad ang mga briefing seminar na nakatuon sa responsableng pagdedesisyon at pagbibigay ng tamang kaalaman sa mga kabataan.

Pangungunahan ito ng mga personnel ng City Population Office, katuwang ang mga guro ng Cauayan City Standalone Senior High School.

Ayon sa City Population Office, bahagi ang naturang programa ng kanilang patuloy na kampanya na palawakin ang kaalaman ng kabataan at makatulong sa pagpigil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa lungsod.