--Ads--
Sa China, mahigpit na tinututukan ng mga awtoridad ang paglaganap ng mga viral na “micro-dramas” na umano’y nagpapakita ng hindi makatotohanang mga kuwento ng pag-ibig.
Kadalasang tampok sa mga maiikling video ang mga bilyonaryong CEO na bigla na lamang umiibig sa mga babaeng mula sa mahirap na kalagayan, na ngayon ay itinuturing ng ilan bilang mapanlinlang na pantasya.
Ayon sa mga otoridad, ang ganitong content ay nagdudulot ng maling pananaw tungkol sa yaman, relasyon, at lipunan.
Dahil dito, hinihikayat ang mga online platform na alisin o higpitan ang pagkalat ng naturang mga drama upang maisulong ang mas makatotohanan at responsableng pagkukuwento.
--Ads--











