--Ads--
Tinuligsa ng China bilang isang probokasyon ang pagdaan ng barko ng Japanese Self-Defense Forces sa Taiwan Strait.
Ayon kay Guo Jiakun, tagapagsalita ng Chinese ministry, minonitor at hinarap ng militar ng China ang naturang pagpasok alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.
Batay sa ulat, naglayag ang escort ship ng Japan na Ikazuchi sa Taiwan Strait nitong Biyernes.
Samantala, tumanggi ang Japan Self-Defense Forces na magbigay ng komento hinggil sa pahayag ng China.
--Ads--
Matatandaang lumamig ang ugnayan ng China at Japan matapos ihayag ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi noong Nobyembre na posibleng tumugon ang Japan sa pamamagitan ng aksyong militar sakaling umatake ang China sa Taiwan.











