--Ads--
Isasagawa na sa darating na ika-10 ng Pebrero ang kasalang bayan sa Lungsod ng Cauayan na gaganapin sa Isabela Convention Center o ICON.
Ang mass wedding ay isinasagawa taon taon sa lungsod kung saan libreng maikakasal ang mga mag asawa.
Ayon kay Cauayan City Registrar Officer Nerissa Serrano, isa ito sa mga inaabangan ng mga taga lungsod dahil hindi rin biro ang usapin sa pagpapakasal.
Kasunod nito, hinikayat niya ang lahat na nais magpakasal sa gaganaping kasalang bayan na magsumite na ng kanilang marriage application.
--Ads--
Nilinaw din niya na libre ang nasabing kasalang bayan at may naghihintay pang surpresa para sa mga makikilahok dito.