Patuloy mang umaangat sa WTA rankings si Filipina tennis star Alex Eala, naniniwala ang kaniyang coach na si Joan Bosch na hindi dapat sa ranking masukat ang kaniyang potensiyal.
Pumasok si Eala sa 2026 US Open na may career-high ranking na world No. 20 matapos ang matagumpay na season, kabilang ang pagkapanalo niya sa unang WTA Tour singles title sa Mubadala DC Open sa Washington.
Ayon kay Bosch, maaari pang pagbutihin ni Eala ang kaniyang ang serve, return, forehand, backhand, footwork, endurance at bilis.
Samantala, tutungo na si Eala sa New York para sa kaniyang kampanya sa US Open, kung saan sasabak siya sa women’s singles main draw na magsisimula sa Agosto 30.
Ito na ang ikalawang main-draw appearance ni Eala sa US Open matapos niyang umabot sa second round noong nakaraang taon.











