--Ads--

CAUAYAN CITY- Aminado ang Commission on Elections (Comelec) Gamu na may mga naitatalang election related incident sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Election Officer 3 Ramon Octubre ng Comelec Gamu, sinabi niya na may mga natatanggap  silang post sa social media na nagpapakita ng iringan ng dalawang partido.

Gaya na lamang ng nagttrending online kung saan may isang partido ang halos makasagasa na ng botante habang nangungumpanya.

Aniya, dapat ay kausapin ng mga kandidato ang kanilang mga tagasuporta na huwag painitin ang sitwasyon at payuhan ang kanilang mga tagasuporta na huwag makisali sa maruming pangangampanya.

--Ads--

Base rin kasi sa kanilang obserbasyon, kahit simpleng post lang kasi minsan ay pinapainit o pinapalaki ng mga tagasuporta ng bawat partido ang mga usapin

Alinsunod dito ay naireport na ng Comelec sa PNP Gamu para magawan ng imbestigasyon ang mga nangyayaring bangayan online at makapagsampa ng kaso sa mga nakikisali rito