--Ads--

Nag-anunsyo ang International Criminal Court (ICC) ng mga bakanteng posisyon para sa mga interpreter bilang paghahanda sa nakatakdang paglilitis kay Rodrigo Duterte sa Nobyembre.

Ang mga mapipiling aplikante ay magtatrabaho sa The Hague, Netherlands at magsasalin ng mga testimonya ng mga saksi at iba pang mga pagdinig sa korte.

Kabilang sa mga posisyon ang paraprofessional interpreter na may panimulang sahod na humigit-kumulang P4 milyon at associate court interpreter na may humigit-kumulang P5.1 milyon kada taon.

Kailangan ng mga aplikante ang mataas na kasanayan sa Filipino (Tagalog) o Cebuano, pati na rin sa English.

--Ads--

Ayon sa ICC, mahalaga ang mga interpreter upang matiyak na nauunawaan ng mga Pilipino ang mga proseso ng pagdinig.

Si Duterte ay nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs, at nakatakdang magsimula ang paglilitis sa Nobyembre 30.

Bukas ang aplikasyon hanggang Hulyo 4, at ang kontrata ng mga mapipili ay tatagal hanggang Disyembre 31, 2026.