--Ads--

Tumaas ng 2% ang bilang ng construction projects na may approved building permits noong Marso kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa preliminary data ng PSA, umabot sa 16,066 ang kabuuang proyekto noong Marso mula sa 15,750 noong nakaraang taon. Gayunman, bahagyang bumaba ang kabuuang halaga nito sa ₱49.07 bilyon mula ₱49.33 bilyon noong nakaraang taon.

Pinakamarami sa mga proyekto ang residential buildings na umabot sa 9,955 o 62% ng kabuuan, habang non-residential projects ay nasa 3,663.

Tumaas din ang halaga ng non-residential projects sa ₱24.87 bilyon, mas mataas ng 8% kumpara sa nakaraang taon.

--Ads--

Samantala, lumago ang mga proyekto sa building additions ng 12%, habang bumaba naman ang alteration and repair projects ng 12% sa bilang at 30% sa halaga.

Tumaas din ng 27% ang ibang construction projects sa bilang, ngunit bumaba naman ng 53% ang kabuuang halaga nito.