--Ads--

Mahigit isang libong indibidwal ang inaasahang makikinabang sa isinagawang People’s Caravan sa FLDY Coliseum sa Lungsod ng Cauayan ngayong araw, Hunyo 30.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Juniffen Tacadena, Officer-in-Charge ng National Housing Authority (NHA) Cauayan District Office, sinabi niya na layunin ng aktibidad na mailapit sa publiko ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan sa iisang lugar upang mas madali itong maabot ng mga mamamayan.

Kabilang sa mga ahensyang lumahok sa People’s Caravan ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Philippine Statistics Authority (PSA), Public Attorney’s Office (PAO), PhilHealth, Pag-IBIG Fund, at iba pang tanggapan ng pamahalaan na nagkakaloob ng iba-ibang serbisyo sa publiko.

Nakibahagi rin sa programa ang ilang pribadong institusyon upang magbigay ng karagdagang serbisyo at tulong sa mga dumalong residente.

--Ads--

Samantala, ayon naman kay Ginang Genelyn Sebastian,isa sa mga dumalo sa naturang aktbidad, sinabi niya na malaking tulonag ang Caravan dahil hindi na nila kailangang magtunog sa iba’t ibang tanggapan upang mag-asikaso ng kanilang mga pangangailangan.

Aniya, malaking ginhawa sa mga residente ang ganitonag programa dahil mas mapapadali ang pagkuha ng mga dokumento at iba pang serbisyong kailangan ng kanilang pamilya.

Patuloy naman na hinihiyakat ng organizer ng aktibidad ang publiko na makiisa sa mga ganitong uri ng programa upang lubos na mapakinabangan ang mga serbisyong inilalapit ng pamahalaan sa mga komunidad.