--Ads--

Inamin ng social media personality at content creator na si Jack Argota na hindi niya pinagsisihan ang pag-post ng umano’y pekeng medical certificate ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon sa kanya, bagama’t napansin niyang may mga mali at posibleng peke ang dokumento, itinuloy pa rin niya ang pagbahagi nito online.

Sinabi rin ni Argota na pina-enhance niya sa ChatGPT ang nilalaman bago ito i-post, ngunit napansin niyang mali ang nakasaad na kaarawan ng pangulo.

Samantala, humarap si Argota sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magpaliwanag matapos siyang padalhan ng imbitasyon ng ahensya.

--Ads--

Ayon naman kay NBI Director Angelito Magno, hiwalay ang imbestigasyon kay Argota at patuloy pa nilang inaalam ang panig nito. Paalala rin ng NBI na mag-ingat sa pag-share ng mga sensitibong impormasyon dahil maaari itong lumabag sa cybercrime at data privacy laws.