--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na nasawi sa kumplikasyong sakit ang isang COVID-19 patient ng ospital kahapon, ika-12 ng Hulyo.

Aniya, simula nang ma-admit ang pasyente sa ospital ay nakitaan na ito ng hindi magandang kondisyon dahil sa iba’t ibang karamdaman tulad ng sakit sa kidney, diabetes at dagdag pa ang sintomas ng virus.

Dagdag pa nito na si CV117 ay isang 49-anyos na lalaki ng Cagumitan, Tuao, Cagayan at na-admit sa CVMC noong ika-5 ng Hulyo dahil sa naging suspect case ng virus.

Sa kaparehong araw ay naisailalim siya sa swab test at nagpositibo sa COVID-19.

--Ads--

Umabot ng pitong araw ang namatay na pasyente sa ospital dahil na rin sa mga karamdaman nito.

Bago na-admit sa CVMC ay dalawang Linggo na nagsusuka at nanghihina ang katawan nito na hindi nagpakonsulta o uminom ng gamot.

Sa loob ng labindalawang oras ay dapat nang ilibing ang labi batay sa health protocols sa mga nasasawing may sakit ng COVID-19.

Nagtratrabaho sa Tondo, Manila bilang drayber ang namatay na pasyente at nakauwi sa Tuao noong ika-5 ng Hulyo.