--Ads--

Tumaas pa ang bilang ng mga nasawi kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao noong Hunyo 8, 2026.

Ayon sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 55 ang bilang ng mga nasawi.

Nadagdagan din ang bilang ng mga nasugatan matapos ang isinagawang beripikasyon, na ngayon ay nasa 1,120 na.

Samantala, nananatili namang 31 indibidwal ang nawawala batay sa mga ulat ng kanilang mga kaanak at mga nakalap na testimonya.

--Ads--

Dahil dito, muling pinayuhan ng NDRRMC ang publiko na manatiling alerto at handa sa posibleng mga aftershock, na umabot na sa mahigit 3,000 mula nang tumama ang lindol noong Lunes.