--Ads--

Nagkamit ng isang gintong medalya ang mga manlalaro ng Cauayan City sa ginanap na Batang Pinoy 2024 sa Puerto Princesa City, Palawan. Nag-uwi rin ng isang silver at isang bronze medal ang mga manlalaro.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jonathan Medrano, City Sports Development Officer IV ng Cauayan City, gold medalist sa 17 under doubles boys sina Keenen Reign Antonio at Kelvin Marto.

Gold medalist 14 under singles boys

1. Edrian Jake Pascua

--Ads--

Silver medalist singles boys

1. Kelvin Marto

Silver medalist singles girls

1. Jhoana Tiong

Bronze medalist doubles girls

1. Jhoana Tiong

2. Jolina Bacog

Bronze medalist singles boys

1. Keenen Reign Antonio

Proud na proud pa rin naman si Ginoong Medrano sa kanilang mga manlalaro sa kabila ng kakaunti lamang ang naipadala sa nasabing kompetisyon dahil sa malayong venue.

Tiniyak naman niya na mas maraming manlalaro na ang kanilang ipapadala sa susunod na Batang Pinoy dahil gaganapin na ito sa Laoag City Ilocos Norte.