Nakataas na ang Maximum Alert Status laban sa mga forest fire na posibleng mangyari dahil sa matinding init ng panahon habang nasa kasagsagan ng El Niño phenomenon.
Ginawa ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang mai-akma ang mga hakbang laban sa posibleng paglaganap ng sunog sa mga kagubatan at damuhan na maari ring kumalat sa mga komunidad.
Kaakibat nito ay ang pagdedeploy ng mga tauhan para sa forest protection, pagsasanay sa mga forest officers, pagtatayo ng firelines, at ang mahigpit na pagbabawal sa open burning o lantad na pagsusunog ng anumang uri ng basura o materyales gamit ang direktang apoy nang walang chimney, industrial furnace, o kontroladong pasilidad.
Kasama rin dito ang pansamantalang pagsasara ng mga protected areas na itinuturing na high-risk o may mataas na posibilidad na maapektuhan ng forest fire.
Ayon kay DENR Secretary Mitch Cuna, ang pagtaas sa alerto ay bahagi ng interventions ng para malabanan ang tagtuyot at matugunan impact ng naturang weather phenomenon.
Sa mga regional office ng DENR, mayroon na rin aniyang lokal na interbensyon na ipinapatupad para maprotektahan ang mga kagubatan at damuhan laban sa banta ng wildfire.
Ayon pa kay Sec. Cuna, naka-full alert at nasa ilalim ng 24/7 standby ang mga Quick Response Team ng DENR sa lahat ng regional offices para tumulong sa pag-apula ng mga sunog sa kagubatan.
Hinimok din ng kalihim ang publiko na makiisa sa mga hakbang at kampaniya ng gobiyerno para maprotektahan ang mga kagubatan laban sa sunog habang nagbabanta ang lalo pang tumitinding El Niño.











