--Ads--

Naghahanda na ang Deped Region 2 sa Regional School Press Conference at Regional Festival of Talents sa buwan ng Abril.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Benjamin Paragas, Regional Director ng DepEd Region 2 sinabi niya na ang Regional School Press Conference ay gaganapin sa lungsod ng Cauayan habang ang  Regional Festival of Talents ay gaganapin naman sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ilan sa kanilang mga pinaghahandaan ay ang venue at kaligtasan ng mga delegasyon na makikilahok maging ang pagsasanay sa mga mag-aaral na lalahok sa mga contested activities.

Aniya mas kaunti naman ang mga kasali sa Festival of Talents kumpara sa CAVRAA ngunit maigting pa rin ang kanilang paghahanda para rito.

--Ads--

Ilan sa mga isino-showcase dito ang galing ng mga estudyanteng malikhain at may talento sa larangan ng Sining, pagsusulat at iba pa.

Ayon kay Dr. Paragas, mahalaga ang pagkakaroon ng ganitong mga kompetisyon para maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang talento lalo na sa mga media related skills.

Samantala sa Regional Schools Press Conference naman ay magtatagisan ang mga estudyante sa pagsusulat at komunikasyon na maaring magbigay daan sa kanila para pasukin ang larangan ng pamamahayag.