--Ads--

Walang anumang impormasyon na nakuha ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DOJ) na naaresto na umano si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Kasunod ito sa pagkalat ng balita nitong hapon ng Martes, Agosto 4 na naaresto na umano ang dating Philippine National Police (PNP) chief.Balitang West Philippine Sea

Nahaharap sa kasong crime against humanity si Dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC) na nagbunsod sa war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan siya noon ang PNP chief.

Una ng sinabi ni DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez na hindi niya makumpirma na mayrong nangyaring pag-aresto.

--Ads--

Habang ang DILG ay nanindigan na walang anumang impormasyon na nakalap ang PNP sa pagkakaaresto kay Dela Rosa.

Huling nakita sa publiko ang Senador ay noong Mayo 12 noong ito ay dumalo sa sessyon ng Senado bago ito ay itinakas umano ni Senator Robinhood Padilla palabas.