--Ads--

Agad nang nagsumite ng immediate report ang DILG Provincial Office–Isabela sa DILG Central Office kaugnay ng kontrobersyal na insidente sa sesyon ng Sangguniang Bayan ng Reina Mercedes noong Oktubre 5, 2026.

Ito ay matapos maglabas ng pahayag si DILG Secretary Jonvic Remulla na hindi katanggap-tanggap ang ipinakitang asal ni Reina Mercedes Vice Mayor Harold Respicio.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula kay DILG Isabela Provincial Director Engr. Corazon Toribio, nakapagsumite na sila ng opisyal na ulat sa Central Office at hinihintay na lamang ang magiging direktiba para sa susunod na hakbang.

Habang hinihintay ang direktiba, maaari umanong magpatuloy ang Sangguniang Bayan sa pagdaraos ng sesyon at pagtalakay sa mga naturang usapin, kung ito ang naaayon sa karaniwang proseso ng lokal na pamahalaan.

--Ads--

Tumanggi man ang DILG Isabela na magbigay ng interview tape, pinahintulutan naman nito ang himpilan na iulat ang bahagi ng kanilang opisyal na pahayag.

Patuloy namang mino-monitor ng DILG Isabela ang magiging kautusan ng Central Office kaugnay ng insidente.