--Ads--

Walang Pilipino ang nasaktan o naapektuhan sa mga pagsabog sa Riyadh, Saudi Arabia noong Setyembre 18 at 19, ayon sa Department of Migrant Workers o DMW.

Patuloy namang mino-monitor ng DMW ang kalagayan ng mga Pilipino sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng Migrant Workers Offices, katuwang ang Philippine Embassy at Consulate.

Samantala, naglunsad ang mga militanteng Houthi ng drone at ballistic missile attacks na tumarget sa Riyadh at ilang energy facility sa Red Sea coast noong Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga.

Pinayuhan ng DMW ang mga overseas Filipino workers o OFWs na manatiling mapagmatyag at sundin ang mga abiso ng lokal na awtoridad.

--Ads--

Hinimok din ang mga OFW na nangangailangan ng tulong na agad makipag-ugnayan sa Migrant Workers Offices ng Philippine Embassy at Consulates.