--Ads--

Nanawagan si Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. kay dating senador Antonio Trillanes IV na isumite sa mga awtoridad ang anumang ebidensya kaugnay ng alegasyon nitong may pondong mula China na napunta sa isang organisasyong konektado kay Vice President Sara Duterte.

Sa mensaheng ipinasa ng Malacañang, sinabi ni Teodoro na kung mapatutunayan ang naturang alegasyon, maaari itong magkaroon ng seryosong implikasyon sa national security.

Hinimok ng kalihim si Trillanes na ibigay sa mga law enforcement agency ang hawak nitong ebidensya, kung mayroon man, upang masusing maimbestigahan ang usapin.

Sa ngayon, alegasyon pa lamang ang pahayag ni Trillanes at wala pang inilalatag na kumpirmasyon mula sa mga awtoridad na nagpapatunay sa naturang paratang.

--Ads--