--Ads--

CAUAYAN CITY– Nakataas ngayon sa   blue alert status ang Department of Health o DOH Region 2 dahil sa  malawakang pagbaha sa Northern  Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Val Aaron Taguinin ,Health Emergency Management Staff (HEMS) Head-DOH region 2,  sinabi niya na ito ay upang matiyak ng ahensiya na walang magkakasakit sa  mga evacuees na nasa labing isang evacuation centers sa lalawigan.

Maliban dito ay, naka- activate na rin ang reporting sysytem surveillance imposed  in emergencies and disaster kung saan sinusuri  nila ang mga sintomas ng isang sakit dulot ng pagbaha tulad ng  leptospirosis at dengue .

Maliban sa mga evacuees na binigyan ng mga hygiene kits at water purifier ay binigyan na rin ng DOH region 2 ng mga gamot ang mga nagsasagawa ng recue operations  kontra leptospirosis dahil  maging sila ay lumulusong sa tubig  baha.

--Ads--

Sa ngayon  ay centralized ang pagtanggap at pagpapadala nila ng mga tulong tulad ng food packs  sa  mga residenteng  apektadong lugar habang naka- station na ang kanilang Human resources for health sa bawat munisipyo sa labing limang munisipalidad na apektado ng pagbaha mula sa district 1 at  District  2 ng Cagayan.

Tinig ni g. Val Aaron Taguinin, HEMS Head-DOH region 2

Maliban sa pagdeklara ng blue alert status ay nagrequest na rin sila sa DOH central office ng augmentation na pupuno sa mga mobilized commodities na tutugon sa lahat ng mga pangangailangan ng mga apektado ng pagbaha.