--Ads--

CAUAYAN CITY –  Nagsasagawa na ng negosasyon ang Department of Science and Technology (DOST)  sa limang institusyon sa China at Taiwan para sa clinical trial ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Penia na sasali rin sila sa Solidarity Trial on Vaccine ng World Health Organization (WHO)  ngunit hindi pa inihahayag ang mga susubukang bakuna.

Ayon kay Kalihim Dela Penia,  nagpapatulong sila sa Department of Foreign Affairs (DFA)  sa pag-facilitate sa paglagda ng agreement sa pagitan ng China at Taiwan para sa clinical trial sa bakuna.

Ang DFA ay miyembro ng Technical Working Group on  Vaccine.

--Ads--

Sinabi pa ni Kalihim Dela Penia na nais nilang makatiyak na  makikinabang agad ang Pilipinas kapag naging matagumpay ang partnership sa clinical trial.

Naghahanda na ang DOST sa pagtukoy sa mga doktor at ospital na magpapatupad sa clinical trial at kung sino ang mga taong isasailalim sa trial sa bakuna.

Kailangan aniya ng libong tao kapag malawakan na ang clinical trial.

Ang pahayag ni DOST Secretary Fortunato Dela Penia