--Ads--
Tinugunan ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang hiling ni Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio na i-refund ang gastos nito sa drug test na umabot sa P28,011.
Nauna nang hiniling ni Respicio kay Remulla na ibalik ang halaga at maging ang QR code niya para sa bayad ay ipinost sa Facebook.
Sa comment section, sinagot ni Remulla ang post ni Respicio at ipinakita ang screenshot ng transaksiyon bilang patunay na naibalik na ang halaga.
Sumailalim sa drug test si Respicio matapos siyang hamunin ni Remulla na magpa-drug test sa gitna ng kanilang palitan ng pahayag kaugnay ng mga alegasyon na may kinalaman sa ilegal na droga at ang nangyaring kaguluhan sa sesyon sa Reina Mercedes Isabela na pinangunahan ng Bise Alkalde.
--Ads--











