--Ads--

Nagbibigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng parenting effectiveness service sa mga pamilya bilang tugon sa mga insidente ng karahasan sa mga paaralan sa bansa.

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, layunin nitong palakasin ang ugnayan ng mga magulang at anak at matulungan ang mga magulang na mas maayos na magampanan ang kanilang parental responsibilities.

Sinabi ni Dumlao na mahalaga ang matibay na komunikasyon sa loob ng tahanan upang mas maayos na magabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak at mailayo sa kapahamakan o karahasan.

Nagbibigay din ang DSWD ng psychosocial first aid sa mga naapektuhan o nakasaksi ng school violence, gayundin ng trauma care training para sa mga school personnel at iba pang indibidwal na maaaring tumulong sa mga apektadong estudyante.

--Ads--

Patuloy namang nagsasagawa ng assessment ang mga social worker ng DSWD sa mga pamilyang naapektuhan upang matukoy ang nararapat na tulong na maibibigay ng ahensya.