--Ads--

CAUAYAN CITY – Natapos na ng DSWD Region 2 ang pamamahagi ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) sa buong rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2, sinabi niya na tapos na ang kanilang pamimigay ng ayuda sa buong rehiyon na may kabuuang 96.08%.

Aniya, may mga local government units (LGUs) na hindi nagamit ang lahat sa kanilang pondo dahil wala na umanong kuwalipikadong benepisaryo kaya ibinalik na lamang ang pondo.

Sa ngayon, ang pinagkakaabalahan na lamang nila ay ang pagkuha ng liquidation report sa bawat LGU at paghingi ng listahan ng mga hindi nabigyan noong unang bugso ng pamamahagi.

--Ads--

Nilinaw naman nito na hindi na kasali ang Region 2 sa pangalawang bugso at tanging mga rehiyon na lamang na nakasailalim sa ECQ ang mabibigyan.

Tinig ni Assistant Regional Director Lucia Alan.