--Ads--

Nasungkit ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang kanyang ikasiyam na gintong medalya ngayong season matapos manguna sa Istaf Berlin sa Germany nitong Lunes, Agosto 31.

Nalampasan ni Obiena ang taas na 5.82 meters para makuha ang gold medal, habang hindi naman niya nalagpasan ang 5.97 meters sa kanyang tatlong pagtatangka.

Sa kanyang social media post, nagpasalamat si Obiena sa Istaf Berlin sa pag-anyaya sa kanya at nagpahayag ng pag-asang makabalik sa torneo sa susunod na taon.

Samantala, bago ang kanyang panalo sa Berlin, nagtala si Obiena ng 5.90 meters para sa ikalimang puwesto sa Weltklasse Zurich Diamond League.

--Ads--

Dahil dito, nakakuha rin siya ng puwesto sa 2027 World Athletics Championships na gaganapin sa Beijing, China.

Nasa ikalawang puwesto naman si Ylio Philtjens ng Belgium matapos tumalon ng 5.72 meters, habang kaparehong taas ang nalampasan ni Robin Emig ng France ngunit napunta sa bronze sa pamamagitan ng countback.